Rejection. After
losing a dear friend, nakaramdam ako muli ng pag-ibig. Di naman sya kakaiba. He is just an ordinary person who is
nice. Or so I thought. Nahulog ang loob ko sa kanya. Siguro dala ng pangungulila, madali akong
napa-ibig sa kanya. Naging extra close
ako sa kanya. Bagay na parang unti-unti
nya itong nire-reject. Alam nya kung ano
ako. Hanggang sa napag-uspan nga namin.
Tinanong nya ako kung mahal ko sya.
Inamin ko naman. Mula nun,
unti-unti na syang lumayo. Di ko naman
sya pinilit. Di naman ako naghintay na
mahalin nya rin. Basta minahal ko sya
and that’s it.
Pero lumayo sya.
Kahit yung pagiging magkaibigan namin, unti-unti na ring naglaho. Ini-iwasan na nya ako. Na para bang meron
akong nakakahawang sakit. Na-bale-wala
ang mga pinagsamahan namin. Para naging walang kwenta lahat ng mga nagawa
ko.
Muli, nakaranas ako ng rejection. Na dati ko namang naranasan. Muli, nakaranas akong masaktan. Muli, nasabi kong, isinumpa ako. Para syang cycle. Paulit-ulit.
Sabi ko nga, ang dami nang latay ang katawan ko. Kahit na naghilom na, pag nasagi uli, muli
itong dumudugo. Wala nang katapusan.
Dati sabi ko, sa aspetong pag-ibig, yung may magmamahal sa
akin, wag na akong umasa. Kasi parang
ang hirap hanapin. Ang hirap umasa.
Kaso nga me dumating e.
Minahal nya ako. Napamahal din
sya sa akin. Kaso namatay sya. Nasaktan ako ng labis.
Tapos heto nga, meron na naman. At muli, naranasan ko na naman yung
rejection.
Sana man lang nanatili kaming magkaibigan.
Kaso napaka-harsh nya e.
Good side. Sana, he
will see the light of day at ma-realize nyang hindi ako masamang tao. Na mabuti akong kaibigan.
Bad side. Sana
magdusa sya. Sana maranasan din nya kung
papano ma-reject. Sana maranasan din nya
ang sakit. Yung sobrang sakit. Sana, talaga, magdusa sya at maintindihan nya
kung papano masaktan tulad ng sakit na naranasan ko.